Pages

Amazon


Saturday, May 26, 2012

Kaloob Niya

Sabado - Ika-pito na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mula sa Ebanghelyo ni San Juan 21: 20 - 25

image grabbed from: http://www.shutterstock.com
Yung tinatawag nating Pasko ng Pagkabuhay... bukas po ang huling diwa ng pagkabuhay ng ating Panginoon, ito po ay sa pamamagitan ng Pentecostes.
 
 
Ngayon po mayroon pang hinahabilin sa atin ang Panginoon.

Ito po ay ang maging tagapag-payahayag ng Kanyang Mabuting Balita. Ang pagpapahayag po ng Mabuting Balita ay hindi po gawain ng iilang tao. Madalas po sinasabi "Father" kayo lang po ang may karapatan ang magpahayag ng Mabuting Balita o kaya yung mga pari o madre o kaya sa mga relihiyoso.

Ang sagot po ng ating Panginoon ay hindi. Tayo ang magpapahayag ng Mabuting Balita. Bakit? Ano ba yung Mabuting Balita? Walang iiba kung hindi ang ating Panginoon. At yan ang pagpapahayag natin tungkol sa ating Panginoon. Hindi lang po sa pamamaraan ng pagbabasa at pagninilay; lalong higit na mapapahayag natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating buhay.

Sabi nga ni San Pablo, kayo ang iilang alagad ni Kristo, at sa pamamagitan ng pagmamahalan ninyo sa isa't isa... sa pamamagitan ng inyong pagmamahal lalo ninyo pinapakita ang pagpapahayag sa Panginoon.

Kaya huwag tayong maiinggit. Huwag po natin ihahambing ang ating sarili sa iba.

Sabi sa ebanghelyo, kayong mga sumusunod na alagad, sabi ng Panginoon sa kanila wag kayong makialam diyan, Huwag mong pakialaman yan. Huwag mong pakialaman yung ginagawa nila.  Gusto kong gawin mo sundan mo ako. Yan at wala ng ibang gagawin pa. Para balang araw, maipahayag natin ang pagsunod sa ating Panginoon.

Kaya huwag po natin titignan ang wala sa ating sarili. Huwag maiinggit. Tayo ay magpasalamat sa kalooban niya upang araw-araw ay maging tapat tayong sumusunod sa kalooban niya.

At tularan po natin si Maria at masabi rin natin sa ating buhay:
Panginoon, magawa nawa sa akin ayon sa kalooban mo.

Homilya ni:

Rev. Fr. Ronaldo Pedroso
San Exequiel Moreno Parish
Kaunlaran Village, Caloocan City
6:00 AM Mass

No comments:

Post a Comment