Pages

Amazon


Sunday, April 29, 2012

Ang Mabuting Pastol


Ikaapat na Linggo sa Pasko ng Pagkabuhay
(Mula sa Ebanghelyo ni San Juan 10:11-18)


Para po sa atin ngayon, ang pagiging isang pastol ay hindi po natin agad mabigyan halaga sa ating buhay.
Hindi naman tayo, tinawag para magpastol ng kawan. Noong kapanaunan ng Panginoon, isa po yan sa mga kinabubuhay – ang pagpapastol ng mga tupa. Doon sila kumukuha ng ikakain. Doon sila kumukuha ng pananamit. Doon sila kumukuha ng tinatawag na ikinabubuhay. Kaya iyon ay kanilang inaalagaan.


Ngayon paano naman natin ito bibigyang halaga sa ating buhay. Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging pastol ng kawan? Ang ibig sabihin niyan dapat mo munang ipakita ang isang Gawain ng isang pastol ng kawan. At ang pagiging pastol ng kawan ay paano nila ginagawa?

Number one, iinaalagaan niya ang kanyang mga kawan. Paanong pag-aalaga? Pinapakain niya ito. Tapos nilalagay niya ang kanyang kawan sa lugar na hindi mapanganib. Pinoprotektahan nya ang mahal niya. So pinapakain nya, pinoprotektahan niya. Tapos kinakalinga nya. Lalong higit pag ito ay may sakit. Kinakalinga maigi ang kanyang kawan.

Bagamat an gating Panginoon, Ang bahagi niya ng pagpapastol ay wala sa rancho, parang isang bukid yan. Tapos lang ng tupa nya pinagsama-sama sa isang kawan. Pero pag-umaga hiwa-hiwalay na, kanya-kanya na. Paano niya nalalaman? Meron silang sariling pito. O meron silang sariling tinig na pag-narinig yun ng mga tupa, yun ay sinusundan ng kanyang mga tupa. Kaya pagnaririnig na ang tinig ng kanyang amo. Ito ay sumusunod sa kanilang pastol. Hindi nya lang ito inaalagaan, ito ay kanyang ginagabayan. At yan ay pakikinggan saan man ito mag-punta at doon pupunta ang mga tupa. So sila ay dadalhin sa mainam na pastulan at sa mga tubigan ng sila ay makainom. Heto po ang Gawain ng isang pastol. Lalong higit nyang ginagawa, heto ay kanyang pinoprotektahan. Heto ay kanyang ipinaglalaban. Lalong higit sa mga asong gubat. So may hawak hawak siyang baston. Itong baston na ito ay mayrroong parang hook dulo. May pinaka hook sa itaas at sa ibaba naman ay may matulis. Para saan yung matulis na iyon? Para sa kanyang pansibat doon sa asong gubat. Yung ang kanyang pampatay. At yung hook naman para sa mga pasaway na tupa. Ano ginagawa? Pag may isang lumiliko, heto ang kanyang panghuli. Hinohook niya sa ulo at binabalik sa kawan. Yun ang kanyang Gawain. Sa ngayon, paano natin maipapakita yan? Sabi ng Panginnon tayo rin ay mga pastol sa ating buhay. Dapat ano an gating gagawin?

Una, Sabi ni Pedro, unang pamamaraan, ng kanyang pag-aalaga. Aalagaan niya ang kanyang tupa. Pinapakain niya. Ibig sabihin nyan mga kapatid, tayo ay dapat pakainin natin ang mga nasasakupan natin yung anak natin, asawa natin, pag-aaral natin… pakakainin natin. Anong pagkain? Pagkain ng masustansyang pagkain. Pero hindi ito yung pagkain natin nilalagay sa ating piging. Ngayon ay pakakainin natin sila ng mabubuting aral. Sila ay bubusugin natin ng mabubuting aral para sila ay matuto sa kanilang buhay.

Pangalawa, sabi sila ay inilagay sa protektadong lugar. Sila ay tinago. Kaya dapat ganoon din po. Yung pastol o mga mahal natin sa buhay ay dapat ilagay natin sa lugar na kung saan sila ay lalago.

Father, ano kinaibahan ng bahay sa tahanan? Ang sabi ko ganito: Yung bahay yun yung istraktura. Dyan pwede kang tumira. Pwede bahay. Basta ikaw ay may masisilungan, pwede ng sabihin yan ang iyong bahay o istraktura. Pero yung tahanan, yun yung natitipon na may pagmamahalan. Kaya, ang salitang tahanan ay nakuha sa salitang Tahan.

Yan yung paboritong linya, “o tahan na” mahal ka ni mommy. O tahan na mahal ka ni daddy. Nandoon yung kalinga andoon yung pagmamahal. Doon mo ilalagay yung mga mahal mo sa buhay. Doom mo ilalagay ang iyong mga nasasakupan kung saan ang lugar ay may pagmamahalan.

Tanonng nyo po sa inyong sarili, doon po ba ninyong nilalagay ang anak at pamilya ko kung saan sila ay lalago bilang mga tao. Kung saan nila mararamdaman ang pagmamahalan ? O doon ba sila nilalagay kung saan nagkakawatak-watak sila, nasisira? Hindi poi yon. Hindi po rason iyon pag-pinapakita mo sa kanila ang kanilang mga mali at sisira sa kanilang buhay. Kailangan po doon natin silang ilalagay kung saan sila ay mananahan at kung saan sila ay lalago bilang mga tao .

Yan po ang panawagan, nawa’y ang isang pastol ay ang pangatlo po ay sabi ay pag-sila ay maysakit. Heto ay iyong inaalagaan . Yaan po ang mahalaga sa atin. Hindi lamang po sila ay papakainin. Hindi lang po natin sila ilalagay sa maayos na lugar. Dapat po sila ay maluwalhating aalagaan. Ang kawan po ay lalago kung sila ay ating aalagaan. Yung mga pets mo pag yan ay iyong pinakain at inalagaan yan ay magiging maamo at faithful sa iyo. How much more po kaya yung mga binigay sa iyo ng Diyos, yung mga tao na binigay sa inyo ng Diyos para ating mahalin. Dapat po yan ay alagaan at yan po ay magagawa natin kung palagi mo silang ginagabayan. Nagiging halimbawa po tayo. Susunod po sila sa atin kung tayo ay magiging halimbawa ng tama sa ating buhay. Kung ano ipakita ninyo sa mga bata sya rin ang magiging gawi sa kanilang buhay.

So gabayan natin sila sa kanilang buhay. Pangalawa i-ayos natin ang kanilang landas. Pag sila ay suwail iayos natin sila. Kaya nga po ang pastol ay mayroon hook. Ito po ay kanyang binabalik hindi pinapalo para bumalik. Pag pinalo nya po ang kanyang tupa, lalo yang magwawala. Lalo yang lalayo. Ang kanyang ginagawa ay kanyang hinook at ginagabayan tungo sa kawan.


Ganonon din po sa ating mga kapatid, di po sapat ang matatapang na gawi. Ang mali po ng isang tao ay hindi po maitatama sa isa pang kamalian. Ang mali po ng isang tao – pag tama po an gating ginawa. So gabayan natin sila sa tama. KAlingain natin sila ng may pagmamahal at yan ay lalaki sa tamang landas ng buhay. Dalhin po natin sila sa mainam na pastulan at sila ay magiging tapat sa kanilang buhay.

Ngayon pong linggong ito , ay Linggo ng Mabuting Pastol. Heto po ay hamon para sa atin. Tinuruan po tayo ng Panginoon na maging mabuting pastol. Tayo po mga pastol ay nais nating mapabuti ang buhay upang tayo ay maging karapat-dapat sa mga iniwanan ng Diyos sa ating buhay…


Homilya ni:
Rev. Fr. Ronaldo C. Pedroso
San Exequiel Moreno Parish
April 29, 2012 6:00 AM Mass

5 comments:

  1. Salamat sa pag-post nawa'y maraming salamat

    ReplyDelete
  2. nice article,Im inspired.

    ReplyDelete
  3. salamat dahil may nakuha akong example sa post na ito

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank sa nag post nito dahil di lang pala tao ang inaalagaan kondi hayop din pala turing natin parang kapatid ang mga hayop dahil may pinahahalagahan din sila samundong ito #iloveAnimal

      Delete
  4. Boom PanesS. ToToo Ba Yan aH!! :D

    ReplyDelete