Sabado - Ikaapat na Linggo sa Pasko ng Pagkabuhay
(Mula sa Ebanghelyo ni San Juan 14:7-14)
Si Pedro at si Juan ay papunta sa templo. Sila ay nakasumpong ng isang taong lumpo. At ang lumpong iyon ay namamalimos.
Humihingi ng limos kina Pedro at Juan. Para bang expected niya na sina Pedro at Juan ay may ibibigay, yung dalawang alagad. Pero sabi ni Pedro, "Pilak at ginto, wala kami. Pero mayroon kaming ibibigay sa iyo." At ang sabi niya, "Sa ngalan ni Hesus, na taga-Nazareth, tumayo ka at lumakad."
At yang ang mabisang tulong ni Pedro at ni Juan. So much so na yung isang lumpo ay tumayo at naglakad. Siya ay nagbigay saksi sa lahat at sa ating Panginoong Diyos. Tayo rin po pag tayo ay nagsisimula ng misa at ng anumang gawain natin. Tayo po ay nag-aalintanda ng krus at sinasabi "Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo." Ibig sabihin ba nito lahat ng ating ginagawa ay magiging mabisa? Sapagkat hindi mo lamang yang ginagawa sa iyong sarili mo kung hindi ginagawa mo yan sa ngalan ng Panginoon. Sabi ng Panginoon, "Ano man ang hihingin nyo sa ngalan Ko ay siya Kong gagawin."
Ano po ibig sabihin ng gagawin sa ngalan ng Panginoon? Ang ibig sabihin lang po noon ay tayo ay sumasampalataya. Sumasampalataya tayo sa Panginoon, sapagkat alam natin na ito ang subok na matibay at alam rin natin ang Panginoon ang mapagkakatiwalaan. Kaya po ang ginagawa nating yan ay subok na mabisa sapagkat sumasampalataya ka sa ngalan ng Panginoong Diyos ... Lahat ay kaya mong gawin. At yun po ang ibig sabihin. Everytime na nagsisimula, tayo ay nag-aalintanda ng krus. Everytime tayo ay bumabangit ng pangalan ng Panginoon, hindi po ito na isang parang magic. Pag sinabi mo yan andyan na yung magic. Hindi po yan ang diwa ng ating pananampalataya.
Sabi nga ng Panginoon, pag sumasampalataya kayo, yan ay nagiging isang pagpapala ng Diyos. Yung pagtitiwala mo sa kanya ay nagpapatunay na ang Panginoong Diyos ay maasahan. At ang ginagawa mong iyon ay karapat-dapat. Kaya nga po pag sinabi natin sa pangalan ng Panginoon, o gagawa ng ganito dapat po ay gagawin natin ng may pananalig at walang pagdududa. When you pray o nagdasal tayo, dapat wala tayong pagdududa. Yung pagdadasal mo ay buong pagtitiwala mo sa Panginoong Diyos. Hindi ka nagdududa at yan pag-nagdasal ka; hindi dapat yan maging ugat ng iyong pagdududa. Yun ay dapat iuugat mo sa iyong pagtitiwala. Sapagkat ibibigay sa iyo ng Panginoon, sa Kanyang natatanging paraan, sa tamang panahon at pagkakataon ang hinihingi mo. Sapagkat pinagkakatiwalaan mo ang Diyos, ibig sabihin Siya ang gagawa para sa iyo ng nararapat. At ibibigay sa iyo yung nararapat para ikaw ay mabuhay ng mabuti.
Kaya po tayo nag-aalintanda ng krus, yan po ay sumasaksi na tayo ay sumasampalataya sa Panginoon. Nawa sa pananampalataya natin, higit na pagpapala ang ating matamo.
Homilya ni:
Rev. Fr. Ronaldo C. Pedroso
San Exequiel Moreno Parish
May 5, 2012 6:00 AM Mass
No comments:
Post a Comment