Ang Linggo ay karaniwang inilalaan natin bilang araw ng Panginoon. Kaya po ang tawag diyan ay Domingo o Day of the Lord. May tatlong tao tayo pinaparangalan kapag natapat ang araw na ito sa araw ng Linggo. Isa na rito ang Ina nating si Maria. At ngayon naman ay pinaparangalan natin ang araw ni San Juan Bautista.
Sa Biblya po, dalawang tao lang ang may istorya ng kapananganakan even po si Mama Mary walang istorya. Dalawang po ang may kwento sa Bagong Tipan, at iyon ay si Juan Bautista at ang pangalawa ay ang ating Panginoong Hesus.
Tayo po ay nagpapangaral kay Juan Bautista pagkat siya ang na-una sa Panginoon. At higit nyang napakilalang higit ang ating Panginoon.
Napakaganda po ng kanyang kwento ngunit pagkatapos ng kanyang pangangaral sabi ni Juan Bautista: "Wag nyo akalain ako ang Mesiyas. Hindi po ako ang Mesiyas. Ako po ay taga-pauna lamang. At hindi man lang po ako karapat-dapat na magkalag ng tali ng kanyang panyapa." Sabi nya sa huli: "Ako man ay humuli at Siya naman ang lumaki." I must decrease and He must increase. Ibig sabihin hindi siya yung focus. Si Juan Bautista, hindi siya ang focus . Ang focus po ng ating pananamplataya hindi po si Juan Bautista. Siya po ay tagapagturo lamang tungo sa ating Panginoon.
He must increase, I must decresase.
Alam nyo po si Juan Bautista ay ipinanganak ngayong Hunyo. At sa kapananganakan ni San Juan Bautista mapapansin natin na papalapit tayo ng papalapit sa araw ng Pasko. Pa-igsi ng pa-igsi ang sinag ng mga araw. Humahaba ang gabi. Umigisi ang araw. Lumalamig dahil ang ating planeta ay lumalayo na sa ating araw. Pero pagdating ng Disyembre, pagkatapos ng kanyang kapanganakan mararamdaman natin na humahaba ang umaga. Umigsi yung gabi. Umiinit kasi papalapit nang papalapit ang ating planeta sa araw. At yung ang panahon ng Summer.
Kaya nga maganda ang sinasabi ng ating Panginoon na siya ay liit at lalaki ang ating Panginoon. Ibig sabihin nawawala siya sa focus. At nakikita natin ang taong dapat bigyan ng pansin ang pananalig sa ating Panginoon.
Napakaganda rin ng pangalan na ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang, ang pangalan pong Juan. Ibig sabihin po nyan sa wikang Hebreo (Yôḥānān) ay "Pinagapala ako ng Diyos" o kaya ang "Diyos ay pinagpala tayo."
Sa kanyang mga magulang siya ay biyaya. Siya ay pagpapala. Isipin po ninyo sa panahong kasama ninyo ang inyong mga magulang, biniyayaan sila ng isang sanggol. Milagro na iyan dahil sa kanilang katandaan at wala na. Para sa mga Hudyo kung wala kang anak ay ikaw ay sinumpa ng Panginoon. Ibig sabihin wala siyang biyaya sa Panginoon.
Pero po kahit sa kanilang katandaan sila ay biniyayaan ng anak dahil isa po iyong pagpapala. Si Juan Bautista po ay ipinakita ang tunay na pagpapala. Naging tulay siya upang makilala ng tao ang Panginoon at yan po ay tinatamasa natin ngayon.
Kaya po tayo ay nagpapasalamat dahil sa pagbibigay sa atin ng tao tulad ni Juan Bautista. Nag-alalay sa atin at nagpakita sa atin ang tunay na biyaya ng buhay.
Ganoon din po sa atin sa paggawa natin ng mabuti huwag po sana ang sentro niyan patungo sa atin. Dapat sumalamin sa atin dapat po mag-akay tayo ng mga tao patungo sa ating Panginoon. Kaya po kung magagawa natin yan, matatawag din po tayong mga Juan na ibig sabihin na mga Pinagpala. Tayo ang mga maging blessings sa mga tao.
Sana sa bawat minuto, makita sana tayo ng tao hindi bilang isang salot. Sana po makita sa ating kilos, sa ating mga salita, sa ating paraan ng pamumuhay tayo po ay maging mga Juan, mga pinagpapala ng mga anak ng Diyos. At sa pagpapala natin sa iba. Sana makita rin natin ng ating Diyos. At sa pagpapala na iyan ay maibahagi natin at maipagpasalamat natin sa Diyos na tunay na nagpapala at nagmamahal sa atin.
Homilya ni:
Rev. Fr. Ronaldo C. Pedroso
June 24 Sunday Mass 6:00 AM
San Exequiel Moreno Parish
grabbed from: http://www.inhisname.com/ |

No comments:
Post a Comment