Ang ating pong pagbasa ngayon sa ikatlong linggo sa
karaniwang panahon ay tungkol sa kamatayan.
Narinig natin sa unang pagbasa, sa
Book of Wisdom, hindi po ginawa ng Diyos ang kamatayan. Ang kamatayan po ay
bunga ng disobedience ni Eve sa utos ng Diyos. Dahil sa disobedience ni Eve,
pinanganak ang kamatayan.
Kaya nga kung titignan natin, dahil sa disobedience, death
becomes a reality. The obedience of Mary
brought salvation to her and the rest of humanity. Sa kanyang pag-oo sa
pagiging ina ng Anak ng Diyos. Hindi natin binabalewala ang kapangyarihan ng
kamatayan na mang-wasak. Nakakasira talaga ang kamatayan pero hindi ito nilikha
ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang sanlibutan ng magada at mabuti. Nilikha ng Diyos
ang tao na kanyang kawangis at ito ay habambuhay pero lahat yan ay winawasak ng
kamatayan.
Kaya nga napaka-ganda ng ebanghelyo natin ngayon dahil may
pinakita ang Panginoon – binuhay niya ang anak ni Jairus. Hindi siya
pinaniwalaan ng mga tao; pinagtawanan pa siya; pero sabi niya wala akong
paki-alam sa iniisip nyo. Ang paki-alam ko ay doon sa pag-iinagpis ng tatay na
ito na kahit ano ay gagawin ng tatay gumaling lang ang kanyang anak. Pagano
itong si Jairus and for Jesus to enter the house of a pagan, that will make him
unclean. Kaya nga sinabi ni Jairus, sabihin nyo lang po gagaling na anak ko;
magsalita lang po kayo gagaling na anak ko; huwag po kayo papasok sa aking
tahanan dahil magiging marumi kayo o sa pananampalataya ninyo mga Hudyo.
No Jesus did not have any of that, pumasok siya sinama niya lang
ang kanyang tatlong apostol: James, John and Peter and the father. Binuhay ni
Jesus yung bata at patunay na siya ay buhay ay pakainin nyo na gugutom yan.
Alam nyo three years ago may pinalabas na sine, ang tawag
Bucket List ang bida po roon ay si Jack Nicholson at si Morgan Freeman;
dalawang matanda na malapit ng kunin ni Lord. Nasa ospital na sila, mamamatay
na sila e. Alam niyo kasi pag-kayo hinaharap nyo na yung kamatayan malapit yan;
ang pwedeng mangyari dito, you will have a sense of urgency and the intensity
dahil alam mong malapit ka na kunin. Yung Bucket List, gumawa si Jack Nicholson
ng sampung bagay na nais niyang maranasan bago siya mamatay. So he made a list
of the ten things he wanted to do before he dies.
Maganda rin gumawa ka rin ng iyong bucket list. Kasi death
is staringly at face, I hope you do have a sense of urgency. Magmamadali ka na
siguro mangumpisal. Madalas na siguro ang iyong pagdarasal dahil kahit papano
umaasa ka sa muling Pagkabuhay. And that is what Jesus is talking about today.
Nilikha tayo ng Diyos, hindi dapat tayo mawasak. Hindi dapat
tayo mabulok. Death is life; but death is the final outcome of all things,
meaning the after life: the resurrection. Kaya hindi dapat tayo mapagabag.
Talagang nakakalungkot kung mayroon tayong mahal sa buhay na yumao. Pero dahil
mayroon kang pananampalataya at pag-asa, napapangiti ka dahil ang kanyang
kamatayan ay paraan ng Diyos upang muling malasap sa muli niyang pagkabuhay.
And you know three months ago, kamamatay lang ng daddy ko.
Naranasan namin lahat ng iyon. Siyempre may lungkot, pero mas nangingibabaw sa
amin ang saya. And may dad is a man of faith and a man of wisdom.
Kahit takasan ninyo ang kamatayan, alam nyo kung ang isang
tao ay inaantok, matutulog. Ang taong nagugutom ay kumakain. Ang taong mamatay,
mamatay. And you can not argue with that fact. A dying man needs to die. A
hungry person needs to eat. A sleepy person needs to sleep. But death for us is
not just closing of the door. But is the
changing. Kaya nga sa Eucharistic prayer, sinasabi ng pari, Lord for Your
faithful people life is changed not ended. When our earthly body lies in death;
may we have an everlasting dwelling in heaven.
Kaya nga sa pagpapatuloy natin ng misa. Pag tayo na
kakaranas ng mahal natin na yumao, tignan mo ng mabuti. One if that person
lived a good life. If that person lived a good life, smile. If the person did
not live a good life, please pray for that person. Mamagitan ka para sa taong
iyon. Dahil wala na siyang magagawa para sa kanyang sarili . Dahil ang taong
yumao ay hindi na pwedeng lumapit sa kamahal-mahalang puso ni Hesus o
kalinis-linisang puso ni Maria. Hindi rin makakahingi ng tawad. Wala na siyang
magagawa. Wala na siyang kalayaan. Pero
tayong nabubuhay pwede pa nating ipagdasal ang mga yumao. Binigyan tayo ng
Diyos ng kanyang pribelehiyo.
That is why, yung ginagawa nating Columbario (pupunta ako sa
China sa Martes) para bumili ng vaults na pinagawa natin. We are going to
promote and start the devotion to the
propagation for the souls in the purgatory. We will start that and the first
members will be our beloved who will be in the columbarium. Maniwala kayo
ikakalat natin yan sa buong Pilipinas. We will be the first parish to do that.
To propagate the devotions to the souls – the repose of the souls of our
beloved… we will pray for that. Because later as we pray for them, they will
now pray for us. Pagkapiling na nila ang Diyos.
Tandaan po ninyo pag tayo ay yumao; we are already born in eternity. It could be
eternal flames of hell or eternal life in heaven. Kaya nga po sa pagpapatuloy
natin ng misa, magkaroon tayo ng sense of urgency. Sense of intensity in what
the good that we do.
Kagabi galing ako sa Tito ko, pinag-uusapan namin marami
kasi siyang pinaplano dito sa atin sa Malabon.
Alam nyo gagawa ng napakalaking park sa Catmon para sa mga bata,
palengke natin diyan sa Longos. Alam nyo tuwang tuwa siya pag nakakakita ng
bata at mga tao na masasaya dahil kahit papaano nagiging instrumento ka ng
kasiyahan.
Lalo na kung tumatanda ka, ano ba ang maiiwan mo. Kayong
matatanda ano ba maiiwan nyo sa inyong mga anak at apo? What legacy can you
left behind? Alam nyo may kwento diyan sa Bucket List ni Jack Nicholson.
Mayroon kasi siyang isa doon na nilagay kasi isa lang ang kanyang anak hindi pa
sila nag-uusap. Matagal na silang magka-away hanggang umabot sa punto na yun na
lang ang kulang upang mapuno nya yung bucket list. Nag-away pa sila ni Morgan
Freeman pero at the end of the day. He went to his daughter. Tinitignan niya sa
salamin saka siya lumapit takut na takot siya. Tapos no words need to be said.
Nagyakapan and ramdaman ng pagmamahalan, ng sorry and then Jack Nicholson
passed away. Nabuo na niya e. Nasabi na niya sa mahal nya na minamahal niya
sila.
Kaya nga po sa akin uulitin ko dalawa lang ang trahedya sa
buhay. Una hindi ka nagmahal. Pangalawa nagmahal ka nga pero hindi mo naman
sinabi sa mahal mo na mahal mo siya. So please especially for the younger
people, please tell your parents, lolo ninyo at lola ninyo habang naririyan pa
sila habang naririnig pa nila when they can still appreciate it and can cherish
it and reciprocate with it and we can tell them that we love them. Lastly, God
made an imperative in the last supper , love one another as I loved you. So
utos at atas ng Diyos sa atin, magmahalan kayo tulad ng pagmamahal ko sa inyo.
Tapos sinasabi rin ng Diyos have faith in God especially pag may namamatay.
Sinabi sa mga readings. Sinabi ni Jesus have faith in God. Have faith also in
me. Si Jesus ang nagsasalita. Sumampalataya kayo sa Diyos at sumampalataya rin
kayo sa akin. Atas iyon, hindi sinabi ng Panginoon na ako ay nakikiusap sa inyo
na sumampalataya kayo sa akin. Hindi nya sinabi yon, ang sinabi niya
sumampalataya kayo sa Diyos. Sumampalataya din kayo sa akin. But when you do
that remember, you will not go to heaven because of faith. Hindi ako naniniwala
diyan. Kahit si St. James nagsabi: Faith without good works is nothing. Kaya
kailangan mong samahan ang iyong pananampalataya ng pagmamahal. Before we can
call it faith. And when the time comes we are nearing death. When death knocks
on the doors of our lives; now lets put on our hopes that even the Good Lord
has overcome death. His death will be changed to everlasting life. So simply
put, we all experience life at birth; and death. And the irony of it all, that
Jesus will change this death to everlasting life. So the plan of God that human
life will be imperishable will happen. Even death becomes a reality; God will
never cease to stop this overpowering the reality of death and change it to
everlasting life. Maniwala tayo diyan. Manalig tayo diyan. Dahil ang
nagsasalita ay Diyos. Amen.
Homilya ni:
Rev. Fr. Jojo Aguas
San Exequiel Moreno Parish 8:30 AM Mass
July 1, 2012
No comments:
Post a Comment